Traffic Amnesty Program Sa Makati
20 Apr, 2026
🚗✨ Magandang balita, mga ka-motorista!
Inaprubahan na ang City Ordinance No. 2026-006 (OVR Amnesty Program) para tulungan kayong ma-settle ang mga lumang paglabag sa trapiko.
👉 Ganito kasimple:
✔️ Bayaran lang ang original fine
✔️ Plus 10% na surcharge
❌ Ang iba pang penalties? Tanggal na!
🤝 Walang pambayad sa surcharge?
Okay lang—pwede kang magavail ng community service bilang kapalit.
⏳ Hanggang kailan?
📅 December 31, 2026 lang! Kaya huwag nang patagalin.
Paano Mag-avail?
Step 1: Magpunta sa Ordinance Violation Receipt Redemption and Management Section o OVRRMS ( Ground Floor, Makati City Hall Building 2)
I-drop ang inyopng OVR Ticket sa designated box.
Step 2: Hihintayin ang assessment ng inyong babayaran.
Step 3: Kapag tinawag, magbayad sa cashier (Window 5 o 6)
Step 4: Kunin ang Official Receipt sa Window 3.
Siguraduhing tama ang detalye bago umalis.
Paalala:
Ang amnesty ay para lamang sa pag-settle ng bayarin at hindi nito binubura ang mismong traffic violation
Hindi saklaw ang mga kasong may pinal na hatol ng korte o yaong sakop ng batas pambansa
Disiplina with malasakit. Ganyan sa Makati.