Direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG)

20 Apr, 2026

Magandang araw, mga ka-barangay!

Alinsunod sa gabay at direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG), pinaaalalahanan ang bawat isa sa atin na makiisa sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa ating komunidad.

Hindi lang ito simpleng patakaran—ito ay sama-samang responsibilidad para sa mas maayos na pamumuhay ng bawat pamilyang Sampiro. ✨

🎤 Videoke? Enjoy lang, pero hanggang 10PM lang po tayo. Respeto sa pahinga ng kapitbahay. Alinsunod sa City Ordinance No. 2018-090 o Anti-Noise Pollution Code.
🍻 Inuman sa kalsada? Iwasan natin—kaligtasan at kaayusan ang unahin. Ipinagbabawal ang pag-inom ng alak sa kalsada sa ilalim ng City Ordinance No. 2005-069.
🕘 Curfew para sa kabataan – para sa kanilang proteksyon at magandang kinabukasan, May curfew para sa mga menor de edad batay sa City Ordinance No. 2017-098 o Child Protection Ordinance.

Sa simpleng pagsunod, napapakita natin ang tunay na malasakit sa isa’t isa. Ang disiplina ng bawat isa ay nagiging lakas ng buong komunidad. 💪

Sama-sama nating ipakita na ang Poblacion ay isang lugar na may malasakit, respeto, at pagkakaisa.

Makikiisa ka ba, ka-barangay? 😊

Maraming salamat po!

#NagkakaisangPoblacion
#ParaSaPoblacion
#ProMiko 

Image Description